Inang Bayan ay Ating Alagaan
Ang ating bayan, sa kasalukuyan, ay labis nang inaabuso at patuloy na sinasaktan. Sa halip na siya’y pangalagaan, iba’t ibang pagmamaltrato ang kaniyang natatanggap. Ang mga krimen na lumalaganap sa paligid ay isang indikasyon na hindi na natin nabibigyang-halaga ang ating bayan. Ang ating kapwa ay bahagi ng bayan na ating pinagsisilbihan, kung kaya naman ay dapat bigyan din sila ng pansin. Ngunit sa kalagayan natin ngayon, kapwa rin natin mismo ang nagbibigay ng dahilan para ating sukuan ang paninilbihan sa bayan. Mahirap man an gating pinagdadaanan ngayon, dapat pa rin nating isipin na ang lahat n gating ginagawa ay para sa bayan at sa Diyos.